dakong alas-7:10 ng gabi.
Magaganap ang inaa-sahang magiging klasikong giyera sa pagitan ng Barangay Ginebra at Red Bull Barakos na magtutuos para sa titulo ng PBA Gran Matador Fiesta Conference.
"This match is a dream match," paglalarawan ni Red Bull coach Yeng Guiao. "Its actually a match made in heaven to be played by the devil."
Hindi lamang giyera sa court ang magaganap sa Game-One na ito ng best-of-five championship series dahil siguradong magkakainitan din ang mga fans ng dalawang koponang ito.
Minsan nang may naospital nang magpang-abot ang mga fans ng Gi-nebra at Red Bull at noong Miyerkules lamang, nagkaroon na naman ng komosyon dahil sa away ng mga ito noong semifinals sa PhilSports Arena.
Dahil inaasahan ni PBA Commissioner Eala ang malaking crowd tulad noong Linggo na umabot sa mahigit 13,000, dadag-dagan ang security personnel at pulisya sa loob at labas ng venue.
Magsasagupa na-man ang Talk N Text at Coca-cola para sa konsolas-yong third place sa kampeonato sa ganap na alas-4:45 ng hapon.