Ang resulta, maghaharap ang Red Bull at Barangay Ginebra sa finals ng transition tournament na ito ng PBA.
At dahil pumasok ang Ginebra gayundin ang Barakos, inaasahang mapupuno rin ang venues na pagdarausan ng best-of-five titular showdown ng dalawa.
At least dito man lang eh makabawi ang PBA.
Parehas ang laban ng dalawang ito sa paningin ng kani-kanilang mga fans. Ika nga pantay ang laban, walang liyamado at walang dehado. At sa best-of-five series na ito, tiyak na aabutin talaga ng Game 5 ang bakbakang ito.
So game na tayo sa Miyerkules, kanino kayo?
Kitang-kita sa kanyang mukha at naniningkit na mga mata ang kaligayahan noong Linggo ng gabi.
Eh sino ba naman ang hindi matutuwa? Isang malaking karangalan para sa isang batang coach na tulad niya ang malagay sa ganitong karangalan.
Sa kasalukuyan, si Siot ang pinakabatang coach na nasa kampeonato ngayon.
Well, kung hanggang saan aabutin ang kaligayahang ito ni Siot at ng Ginebra sana hanggang sa matapos ang series.
Tila mas gusto ng Barakos na dumaan sa mahirap at matinik na daan bago tuluyang makuha ang isang karangalan.
Kunsabagay, mas masarap ang ganitong klaseng tagumpay ang dumaan muna sa hirap.
Di ba coach Yeng?