^

PSN Palaro

Shakey's V-League: Finals puntirya ng UST at La Salle

-
Tangka ng University of Santo Tomas at La Salle na iselyo ang inaa-sahang showdown nilang dalawa sa women’s volleyball crown sa kanilang pag-asinta sa ikalawang panalo kontra sa kani-kanilang laban sa semifinal round ng Shakey’s V-League sa Lyceum gym.

Kinuha ng dalawang pinapaborang koponan ang magkaibang ruta tu-ngo sa paggawa ng parehong resulta sa opening ng kanilang kampanya sa semis noong Linggo nang lumusot ang Tigress sa mahigpit na hamon ng Lyceum, 25-20, 20-25, 25-19, 21-25, 15-6 victory.

Sa kabilang dako naman ang Lady Archers ay magaan na namayani kontra sa San Sebastian netters, 25-18, 22-25, 25-13, 25-7 sa kanilang best-of-three duel sa panimula ng semis ng event na iti-nataguyod ng Shakey’s at suportado din ng Mikasa at Accel.

Tangka ng La Salle ang unang finals berth sa kanilang pang-alas-3 ng hapong engkuwentro na ipalalabas ng live sa IBC-13.

"Sana makuha na namin ito sa Tuesday," ani UST coach August Sta. Maria, na nangakong tatapusin ang host team nang walang tulong na magmumula sa kanilang top receiver na si Kate Co Yu Kang, na sumama sa national team na nakikipaglaban sa Princess Cup sa Thailand.

Inaasahang sasandal si Sta. Maria sa mahusay na grupo nina Mary Jean Balse, Joyce Pano, Venus Bernal, Anna Eliza Pulo, Vida Rina Gutierrez, Lourdes Palomo at Karen Co Yu Kang sa kanilang pang-alas-5 ng hapong duelo laban sa Lady Pirates, na nangakong babangon naman.

"We’ll make some adjustments," ani Lyceum mentor Emil Lontoc. "Sa nakikita ko may pag-asa naman kami against them, we just need to be consistent especially sa depensa."

vuukle comment

ANNA ELIZA PULO

AUGUST STA

EMIL LONTOC

JOYCE PANO

KANILANG

KAREN CO YU KANG

KATE CO YU KANG

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY PIRATES

LOURDES PALOMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with