Tinalo nina Bernardino at Tajon, parehong 13-anyos, ang pares nina Percival Bacalso at Ashley Rose Fujing ng Kabataan ng Maynila District 1 at ang Barangay 118 Zone 9 entry na sina Joel Senosa at Erica Jane Pana na nagkasya sa silver at bronze.
Nagtala naman ang Bario Obrero Elementary School ng 1-2 finish sa Juvenile division matapos maka-gold ang tandem nina Kevin James Miranda at Camille Angue at mag-silver ang pares nina Ashley Bryle Santiago at Rachelyn Astillar.
Ang entry ng San Andres Complex na sina Hosel Batin at Wilyzza Dimple Bernardino ang third placer.
Sa baseball competition, umiskor ng double victory ang Villegas High School nang magtagumpay ang kanilang boys baseball team kontra sa YOWB Club, 17-1 at ang girls softball squad sa Magsaysay High School, 15-4.
Nagparamdam din ang Team A mula sa Smokey Mountain nang kani-lang igupo ang Sta. Ana, 14-1.
Sa cheering competition na ginanap noong opening day kamakalawa, nakopo ng Philippine Normal University ang gold sa college division sa average score na 59.86 nang kanilang ungusan ang Manila City College sa first place na may average na 59.4. Ang third place ay ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na may 57.72 average.
Sa high-school category, nagkam-peon naman ang Araulio High School (54.33) habang ang St. Scholastica (51.79) at Jose Abad Santos High (48.53) ay nagkasya sa second at third place ayon sa pagkakasunod.
Magsisimula naman ang kompetisyon sa lawn tennis, table tennis, chess at volleyball ngayon. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)