^

PSN Palaro

Aarangkada ang San Beda

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Maganda ang naging panimula ng San Beda Red Lions sa 80th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) noong Sabado. Ginapi ng Red Lions ang itinuturing na isa sa malakas na championship contender na San Sebastian Stags, 76-68.

Pabuwenas na panalo ito para sa bagong San Beda coach na si Nash Racela na humalili kay Jonathan Reyes. At dahil nga sa panalong ito at marami ang nagsasabing baka sakaling magtuluy-tuloy na rin ang Red Lions hindi lang sa Final Four kundi sa kampeonato.

Matagal na rin kasing hindi nagkakampeon ang Red Lions. Bale noong 1978 pa nagwagi ang mga ito. Katunayan ay sa isang closed door match pa nagwagi ang Red Lions nang ginapi nila ang Ateneo Blue Eagles na noon ay miyembro pa ng NCAA. Dahil sa kaguluhang naganap noon ay tuluyang lumipat ang Blue Eagles sa karibal na ligang Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Kabilang pa sa mga manlalaro ng San Beda noong 1978 sina Chito Loyzaga, Cholo Martin, Jayvee Yango at ang Guzman twins na sina Joel at Noel.

Sa tutoo lang, maraming beses na dapat ay naging title contender ang Red Lions. Ito’y bunga ng pangyayaring malakas naman ang junior team ng San Beda, e. Itinuturing na powerhouse ang Red Cubs at silang dalawa lang ng Mapua Red Robins ang nagdodomina ng junior division ng NCAA. Kumbaga’y okay ang basketball program ng San Beda.

Ang siste’y hindi pumapanhik sa senior team ng San Beda ang mga junior players nito. Hindi nga ba’t produkto ng San Beda high school sina Benjie Paras, Eric Altamirano, Ronnie Magsanoc, Gerald Esplana, Renren Ritualo, Magnum Membrere, LA Tenorio, at iba pa. Pero sa halip na pumanhik sila sa senior team ng San Beda ay lumipat sila ng eskuwelahan.

Sina Paras, Magsanoc at Altamirano ay responsable sa pagiging kampeon ng University of the Philippines sa UAAP noong 1986. Si Ritualo ay naging miyembro ng La Salle na apat na taong namayagpag sa UAAP. Sina Tenorio at Membrere ay miyembro ng Ateneo Blue Eagles na nagkampeon din dalawang taon na ang nakalilipas.

Kumbaga’y dine-develop ng San Beda high school ang mga manlalarong ito subalit hindi nakikinabang ang senior team nila.

Kaya naman sa nakaraang press conference ng NCAA na ginanap sa ABS-CBN building ay naitanong kung hahayaan pa nilang patuloy na lumsian sa kanilang poder ang mga high school players.

Puwes, magandang balita para sa mga San Beda fans. Sinabi ni Fr. Paul de Vera na may programa na silang isinaayos upang hindi na lumisan ang mga junior stars nila at sa halip ay patuloy na maglaro sa San Beda hanggang sa sila’y tumuntong sa kolehiyo. Dapat siguro, kahit paano ay seeded na rin ang magagaling na junior players na ga-graduate sa senior team para hindi na sila mag-isip na lumipat pa.

At kung ngayon nga’y aabot sa Final Four ang Red Lions, puwedeng mag-isip ang mga junior players nito na mayroon silang kinabukasan sa senior team.

vuukle comment

ATENEO BLUE EAGLES

BEDA

BENJIE PARAS

BLUE EAGLES

FINAL FOUR

RED

RED LIONS

SAN

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with