Lady Pirates sinakmal ng Tigress
June 28, 2004 | 12:00am
Sumandal ang heavy favorite Santo Tomas sa hindi matatag na fifth set ng Lyceum nang sakmalin ng Tigress ang Lady Pirates sa kapana-panabik na 25-20, 20-25, 25-19, 21-25, 15-6 panalo kahapon at kumatok sa finals ng Shakeys V-League sa Lyceum Gym.
Nagtulong sina Joyce Pano at Venus Bernal na nagpakawala ng matutulis na kills sa pagkulapso ng Lady Pirates sa decider na nagbigay sa Tigress ng 1-0 abante sa laban na tumagal ng dalawang oras at 13 minuto.
Tangka ng UST ang finals berth bukas sa best-of-three finals na nakatakda sa susunod na linggo habang umaasa naman ang Lyceum na makakapuwersa ng deciding third game sa Huwebes.
Hindi naging kawalan sa Tigress ang hindi paglalaro ng kanilang top receiver na si Kate Co Yu Kang na kasapi ng natio-nal team na nakikipaglaban sa Princess Cup sa Thailand.
Matapos itabla ang iskor sa 1-all, sumingasing ang host squad sa 9-3 sa panimula ng third set upang makalapit sa pagkuha ng 2-1 bentahe at tsansang maitala ang pinakamalaking upset sa torneong itinataguyod ng Shakeys at ipinapalabas sa IBC-13.
Ngunit nabigo ang Intramuros-based belles na masustina ang momentum at harapin ang solidong pagbangon ng UST kung saan nagtulong sina Pano, Bernal at national mainstay Mary Jean Balse sa paghatak sa Tigress sa 2-1 abante.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended