Nagtala si Cresencio at ang kanyang nakababatang kapatid na si Elmer ng tiyempong 1:12.09 at 1:13.18 oras, ayon sa pagkakasunod upang ipuwesto ang 1-2 pagtatapos sa mens 21-kilometrong qualifying race.
"Pinaghandaan namin ni Elmer ang marathon na ito," wika ng 25-gulang na si Cresencio, isang enlisted member ng Philippine Army sa Tanay, Rizal. "Nagpacing lang kami sa umpisa kasama si (Bernardo) Desamito pero nung nagcramps siya, naiwan na namin siya. Sa bandang huli, naubos na rin si Elmer kaya naiwan ko na rin siya.
Ang magkapatid na mas kumportable sa iddle-distance races ay sumali sa kauna-unahang pagkakataon sa 21-kilometer elimination leg ng Milo Marathon. Bunga nito, sila ay kuwalipikado na para sa National Milo Marathon Finals sa November kasama ang third placer na si Desamito na tumawid sa finish line sa oras na 1:14.06.
Sa distaft side, muling pinatunayan ng beteranang runner na si Mila Paje ang kanyang kalidad nang pagwagian ang nasabing division.
Nagposte si Paje, kumatawan sa Romblon regional race ng oras na 1:36.19 upang kunin ang kanyang ikalawang Milo Marathon leg title.
Sumunod kay Paje ang 19-anyos na si Ailyn Morillo (1:43:42) at ang 18-gulang na si Irma Calabia (1:47:00).