Sa kanilang ipinadalang 100-man delegasyon, ipinakita ng Americans ang kanilang supremidad upang ibulsa ang kanilang ikalawang overall championship sa biennial arnis festival na ito.
Nauna rito, kumubra ang US stickfighters ng 10 ginto, siyam, na pilak at apat na tanso para sa kanilang kabuuang 30-17-7 medal tally.
Sumegunda lamang ang host Philippines sa kanilang itinalang 17 golds, 15 silvers at 5 bronzes.
Kabilang sa mga nag-ambag ng ginto sa RP ay sina welterweight Lolito Pacubillo, featherweight Fernando Parcon at lightweight Rolando Maraña sa mens seniors division ng singles stick sparring competition.
Nagsumite rin ng isang ginto si Maria Therese Borces nang kanyang igupo si Yvonne Hoogendorn ng Holland upang dominahin ang womens flyweight class, habang nangibabaw naman si Bernie Inot sa mens bracket nang kanyang silatin si Christian Weber ng Switzerland.
Ang iba pang nagbigay ng ginto sa RP ay sina Juan Furiscal, Jim Clyde Garciano, Reynaldo Kumbati, James Clark Barte at Ruel Carvellida na nanaig sa kani-kanilang division.