^

PSN Palaro

Us overall champ sa WEKAF Championship

-
Kumupit ang Team Philippines ng 11 pang gintong medalya, pero tinabunan lamang ito ng maningning na performance ng Amerika nang magsubi sila ng 30 ginto upang mapasakamay ang overall title sa penultimate day ng 8th World Eskrima Kali Arnis Federation (WEKAF) Championships kung saan ang aksiyon ay magbabalik na sa Doce Pares International headquarters sa Sto. Niño Village, Banilad, Cebu City.

Sa kanilang ipinadalang 100-man delegasyon, ipinakita ng Americans ang kanilang supremidad upang ibulsa ang kanilang ikalawang overall championship sa biennial arnis festival na ito.

Nauna rito, kumubra ang US stickfighters ng 10 ginto, siyam, na pilak at apat na tanso para sa kanilang kabuuang 30-17-7 medal tally.

Sumegunda lamang ang host Philippines sa kanilang itinalang 17 golds, 15 silvers at 5 bronzes.

Kabilang sa mga nag-ambag ng ginto sa RP ay sina welterweight Lolito Pacubillo, featherweight Fernando Parcon at lightweight Rolando Maraña sa men’s seniors division ng singles stick sparring competition.

Nagsumite rin ng isang ginto si Maria Therese Borces nang kanyang igupo si Yvonne Hoogendorn ng Holland upang dominahin ang women’s flyweight class, habang nangibabaw naman si Bernie Inot sa men’s bracket nang kanyang silatin si Christian Weber ng Switzerland.

Ang iba pang nagbigay ng ginto sa RP ay sina Juan Furiscal, Jim Clyde Garciano, Reynaldo Kumbati, James Clark Barte at Ruel Carvellida na nanaig sa kani-kanilang division.

vuukle comment

BERNIE INOT

CEBU CITY

CHRISTIAN WEBER

DOCE PARES INTERNATIONAL

FERNANDO PARCON

JAMES CLARK BARTE

JIM CLYDE GARCIANO

JUAN FURISCAL

LOLITO PACUBILLO

MARIA THERESE BORCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with