^

PSN Palaro

Top 100 corporations ang puwede sa JVC Badminton

-
Upang masiguro ang antas ng playing field sa corporate division ng JVC Badminton championships at magarantiya ang maayos na pagtatanghal, sinabi ng organizing IMG na tanging ang mga kompanyang kabilang sa top 1000 ang inimbitahan nilang lumahok sa event na nakatakda sa July 18-25 sa Glorietta Activity Center sa Makati City.

Nasa ikaapat na taon na, unang idinaos ng JVC Badminton ang corporate competitions noong 2002 sa pamamagitan ng pag-iimbita, ngunit dahil sa dami ng nais sumali noong sumunod na taon ginawa itong ‘open tournament’ at pinayagan ang lahat ng korporasyon na sumali na umabot sa record na 64 entries.

Ngayong taon, 32 teams lamang na may minimum na anim at maximum na 10 players bawat isa ang maari lamang lumaro sa main draw bagamat magkakaroon ng qualifying round sa ibang entries na nakatakda sa July 11-18 sa Powersmash.

May kabuuang premyo na P70,000 ang nakataya sa event na naglagay sa pinakamalaki at pinakaprestihiyosong corporate tournament sa bansa. Ang magkakampeon ay tatanggap ng P30,000 habang ang second at third placer naman ay P20,000 at P10,000 bawat isa ayon sa pagkakasunod.

BADMINTON

BAWAT

CORPORATE

ENTRIES

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

MAKATI CITY

NGAYONG

POWERSMASH

TAON

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with