^

PSN Palaro

TALO SI MANALO

GAME NA! - Bill Velasco -
Dumadagundong ang balita: tanggal na raw si BJ Manalo sa Ateneo Blue Eagles. At tila napatunayan ito nang di siya naglaro laban sa mga Ateneo Legends noong Biyernes.

Maraming bersyon ang nangyari. Marami raw kondisyon si Manalo para bumalik sa Ateneo. Kailangan daw bigyan ng playing time, at kung anu-ano. Sa kabilang dako, may mga nakaaway daw si BJ noong umalis siya sa Ateneo, at galit pa rin daw sa kanya ang mga iyon, kaya nahirapan siyang maging ganap na bahagi ng Blue Eagles.

May kumakalat din na tsismis na may ibang player na naagawan ng puwesto ni Manalo, kaya siya iniintriga. Nagalit din ang ilang beterano ng koponan, dahil kinukuwestyon nila ang motibo ni Manalo sa pagbalik sa AdMU. Pagmamahal ba sa paaralan, o pansariling kapakanan lamang?

Magugunitang nagwagi si Manalo ng UAAP junior championship bilang Ateneo Blue Eaglet. Ginulat niya ang marami nang lumipat siya sa mahigpit na karibal na De La Salle Green Archers. Ngayong diumano’y di sila magkaunawaan ni coach Franz Pumaren, bumalik siya sa Atemeo.

Sa mata ng marami, pangit tignan ang paglundag-lundag ni Manalo sa magkabilang bakod. Bukod dito, mahirap intindihin ang desisyon niyang pasukin ang show business. At may mga miyembro na rin ng media na nakabangga ng bahagi ng management team ni BJ, na ngayo’y nagiging bakod sa paligid ng manlalarong dati’y madaling lapitan.

Sa tutoo lang, pangit din tignan na ang mga Atenistang kilala sa kanilang dignidad ay nakikipag-iringan. Lalong masamang tignan na nag-iintrigahan na parang mga paslit. Higit sa lahat, hindi ginalang ang pagpili ni coach Sandy Arespacochaga kay Manalo.

May mga umaasang makababalik si Manalo bago magsimula ang UAAP sa ika-10 ng Hulyo. Pero malabo nang mangyari iyon. Ang tubig na naputikan na’y di na maaaring inumin.

vuukle comment

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

ATENEO BLUE EAGLET

ATENEO LEGENDS

BLUE EAGLES

DE LA SALLE GREEN ARCHERS

FRANZ PUMAREN

MANALO

SANDY ARESPACOCHAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with