Inaasahang magiging abala ang makasaysayang Rizal Memorial Sports Com-plex na maraming ulit nang naging host ng mga Filipino athletes na nagbigay ng karangalan sa bansa hanggang Lunes kung saan papalaot ang kompetisyon sa badminton, dance sports at baseball para sa mga kabataang atleta na may edad 15 pababa.
"We have been advised that the Rizal Memorial Sports Complex is ready for the 3rd MY Games," wika ni Arnold Ali Atienza, chairman ng organizing Manila Sports Council (MASCO). "Not only will the tradition that is the history rich venue inspire the kids, but its spruced up condition as well."
Muling nangako si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Eric Buhain na siyang panauhing pandangal at tagapagsalita sa ina-gurasyon ng nasabing meet na magpapatuloy ang PSC sa kanilang pagsuporta sa MY Games.
Inimbitahan din na dumalo sa opening rites sina PSC Commissioners Leon Montemayor, Ambrosio de Luna, William Ramirez at Michael Barredo.
Idaraos naman ang kompetisyon sa lawn tennis, table tennis, volleyball at chess sa Martes. Ang Chess ay gaga-napin sa Harrizon Plaza, habang ang aksiyon sa volleyball ay gaganapin sa kalapit na San Andres gym.
Magsisimula naman ang hostilidad ng football at gym-nastic sa Miyerkules sa Luneta Park at Rizal Memorial Gymnastics center, ayon sa pagkakasunod, habang ang aksiyon sa softball at swimming ay gaganapin sa July 1 at ang centerpiece athletics competitions at paralympics ay magsisimula naman sa July 2 at ang taekwondo ay sa July 4 sa Ninoy Aquino Stadium.