"These are the incentives under the law. But were looking at more ways to reward our athletes who will win medals in Athens," wika ni Buhain, na nagsabi ring kinokonsidera na ang pagbibigay ng pension plans para sa mga athletes educational plans para sa kanilang mga anak.
Sinabi pa ni Buhain na magbibigay din si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ang mga private sponsors sa pangunguna ng PAGCOR ng malaking cash incentives sa mga RP medallists.
Wala namang problema sa kasalukuyang paghahanda at pagsasanay ng mga Filipino athletes para sa Athens Olympics na nakatakda sa Agosto 13-29 sa Athens, Greece.
"Theyre all in high spi-rits. Im a firm optimist and I think theyre doing very well from the qualification process to the prepara-tion level," sabi ni Buhain sa forum na suportado ng Agfa, PAGCOR, Red Bull at Manila Pavilion.
Ang pinakahuling nag-qualify ay si Fil-American swimmer James Bernard Waish na makakasama nina Harry Tanamor, Violito Payla, Romeo Brin at Chris Camat ng boxing; Marie Antoinette Rivero, Tshomlee Go at Donald Geisler ng taekwondo; Eduardo Buenavista at Lerma Bulauitan sa track and field; swimmers Miguel Mendoza at Miguel Molina; at archer Jasmine Figueroa.