Para makalaban ni Barrera: Korean at Morales kaysa kay Pacquiao
June 22, 2004 | 12:00am
Ngayong tinalo na ni Marco Antonio Barrera si Paulie Ayala, marami ang umaasa na mapapadali na ang negosasyon para makasagupa muli ni Barrera si Manny Pacquiao.
Kung iyan ang inaakala ninyo, kayo ay nagkakamali.
Matapos talunin ni Barrera si Ayala sa pamamagitan ng 10th round TKO sa Home Depot Center sa Carson, California, ay biglang lumitaw ang pangalan nina Injin Chi ng Korea at Erik Morales ng Mexico bilang mga kandidato para makalaban si Barrera.
Tila medyo nag-lie low ang pangalan ni Pacquiao dahil ang makapangyarihang promoter na si Bob Arum ang biglang nagsalita at nagsabi na malaki ang tsansa na iharap si Barrera kay Morales o di kayay kay Chi.
Bahagyang nabigla si Rod Nazario, business manager ni Pacquiao, sa pagpasok muli sa eksena ni Arum.
"Katatapos pa lang naman ng laban kayat hindi ko pa nakakausap si Murad Muhammad," wika ni Nazario kahapon.
Hindi makunan ng pahayag si Pacquiao dahil sa ito ay nagbabakasyon sa Thailand kasama ng kanyang asawat dalawang anak. Ang balik ni Pacquiao ay sa Biyernes pa.
Matatandaang tinalo ni Pacquiao si Barrera sa pamamagitan ng 11th round TKO sa Alamodome sa San Antonio, Texas, noong Nobyembre ng isang taon.
Ngunit nagdahilan si Barrera na wala umano siya sa tamang pag-iisip at ito ang naging dahilan kung bakit siya binugbog ni Pacquiao.
Kung papalarin ay gusto ni Nazario na magrambulan muli sina Pacquiao at Barrera sa Setyembre.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended