Sina Cuenca at Lingbawan ay ang pinakamabilis na mananakbo sa loob ng Fort Del Pilar upang makuha ang 10-km at 5-km na mga titulo, ayon sa pagkakasunod sa karerang isinagawa ng Media Runners and Sports Promotions sa pakikipagtulungan sa PMA Department of Physical Education.
Inorasan si Cuenca ng 39 minutes at 55.56 seconds habang si Lingbawan naman ay nagsumite ng 24:26.43.
Sumunod kay Cuenca para sa ikalawa at ikatlong puwesto ang Fourth Class Cadets na sina Jon Marc Matugas (40:38.84) at Jeremy Esilen (40:44.28) habang ang mga Third Class cadets naman na sina Ma. Lourdes Manandeg (24:58.10) at Mildred Venturina (25:09.37) ang sumunod kay Lingbawan.
Pumasok sa top 10 ng 10-km race para sa mga lalaking kadete sina Fourth Class cadets Dan Rey Nieves, Julius Amolo, Joepet Ta-sic, Slaem Cubos, Manuel Gregorio at Rene Bautista.
Kinumpleto naman ang mga nanalo sa womens 5-km class nina Ma. Glaiza Lozada, Gemma Buhong, Elizabeth Rosete, Lynch Demasana, Jelynne Unabia, Ivy Pellones at May Wangdali.