^

PSN Palaro

Cuenca, Lingbawan nalo sa Patakbong Pinoy

-
Nangibabaw sina Cadet Third Class Christopher Cuenca at Cadet Fourth Class Sandra Lingbawan sa kauna-unahang Beam Zest-O Patakbong Pinoy kahapon sa Philippine Military Academy at sa lungsod ng Baguio.

Sina Cuenca at Lingbawan ay ang pinakamabilis na mananakbo sa loob ng Fort Del Pilar upang makuha ang 10-km at 5-km na mga titulo, ayon sa pagkakasunod sa karerang isinagawa ng Media Runners and Sports Promotions sa pakikipagtulungan sa PMA Department of Physical Education.

Inorasan si Cuenca ng 39 minutes at 55.56 seconds habang si Lingbawan naman ay nagsumite ng 24:26.43.

Sumunod kay Cuenca para sa ikalawa at ikatlong puwesto ang Fourth Class Cadets na sina Jon Marc Matugas (40:38.84) at Jeremy Esilen (40:44.28) habang ang mga Third Class cadets naman na sina Ma. Lourdes Manandeg (24:58.10) at Mildred Venturina (25:09.37) ang sumunod kay Lingbawan.

Pumasok sa top 10 ng 10-km race para sa mga lalaking kadete sina Fourth Class cadets Dan Rey Nieves, Julius Amolo, Joepet Ta-sic, Slaem Cubos, Manuel Gregorio at Rene Bautista.

Kinumpleto naman ang mga nanalo sa women’s 5-km class nina Ma. Glaiza Lozada, Gemma Buhong, Elizabeth Rosete, Lynch Demasana, Jelynne Unabia, Ivy Pellones at May Wangdali.

BEAM ZEST-O PATAKBONG PINOY

CADET FOURTH CLASS SANDRA LINGBAWAN

CADET THIRD CLASS CHRISTOPHER CUENCA

CUENCA

DAN REY NIEVES

DEPARTMENT OF PHYSICAL EDUCATION

ELIZABETH ROSETE

FORT DEL PILAR

FOURTH CLASS

FOURTH CLASS CADETS

LINGBAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with