^

PSN Palaro

Manila Talent ID program ng PSC isasabay sa MY Games

-
Sa malapiyestang pambungad na seremonyas ng 3rd Manila Youth Games (MY Games) sa susunod na Linggo, isasabay ng Philippine Sports Commission at ng Manila Sports Council (MASCO), sa tulong ng Philippine Center for Sports Medicine (PCSM) ang Manila Talent Identification Program ng PSC.

Tinatayang may 8,000 kabataan-athletes, na may edad na 15-gulang pababa ang magtitipon sa makasaysayang Rizal Memorial Stadium sa pagbubukas ng isang linggong multi-event competition.

"We intend to take advantage of the opportunity, hoping to identify potentials through the Manila Youth Games that we believe can help provide a base for future athletic talents," ani PSC chairman Eric R. Buhain.

Pipiliin ang mga batang may edad na 14 gulang at pababa na may height limit na 5-foot-11 sa kalalakihan at 5’4 sa kababaihan na isasailalim ng Philippine Sports Talent Identification Program (PSTIP) Team mula sa PCSM sa test sa pamamagitan ng sports segregation program.

Ayon kay Arnold ‘Ali’ Atienza, anak ni Manila Mayor Lito Atienza at namumuno sa nag-organisang MASCO, ang lahat ng 897 barangays at 130 private at public schools ay may kinatawan.

Ang mga sport na naka-calendar sa 3rd MY Games, na magsisilbing qualifying event para sa RP delegation na ipapadala sa 2004 International Children’s Games (ICG) sa Cleveland, ay ang athletics, badminton, baseball, chess, dancesports, football, gymnastics, softball, swimming, table tennis, lawn tennis, taekwondo, volleyball at paralympics.

Mayroon ding cheering competition, giant kite flying exhibition, acrobatic show tampok ang dating mga street children, at fireworks display sa opening ceremonies.

ERIC R

INTERNATIONAL CHILDREN

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA TALENT IDENTIFICATION PROGRAM

MANILA YOUTH GAMES

PHILIPPINE CENTER

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILIPPINE SPORTS TALENT IDENTIFICATION PROGRAM

RIZAL MEMORIAL STADIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with