^

PSN Palaro

Tsansa ng Letran lumakas

-
Muling inulit ng Letran ang pamamayani kontra sa Lyceum nang itala ng Lady Knights ang 26-24, 25-19, 22-25, 25-20, panalo kahapon upang manatiling may pag-asa para sa karera para sa semifinals berth sa Shakey’s V-League sa Lyceum Gym.

Ibinigay nina captain Genelyn Alemania at Khristine Basco ang pinaka-krusiyal na puntos nang iselyo ng Lady Knights ang kanilang ikalawang tagumpay sa pitong asignatura upang makausad sa magic four kasama ang Lady Pirates.

Ang panalo ay nagbigay din sa Far Eastern University ng tsansang makalusot sa susunod na round kung mananalo ito sa huling dalawang laro kontra sa Lyceum sa 4-peat NCAA titlist San Sebastian, na kasalu-kuyang nasa ikatlong puwesto sa 3-3 (win-loss) slate.

Tila wala sa loob ang Letran sa naunang laban nang mabaon pa sila sa 8-14 sa unang set ngunit unti-unting bumangon at nakuha pa ang benta-heng 16-15, ang abanteng binura ng Lyceum nang makuha nila ang kontrol sa 21-18.

Nagtulong-tulong sina Basco, Alemania at Joana Marie Fernando sa pag-bangon nang magsagawa sila ng counter-offensive at kunin ng Intramuros-based belles ang walo sa pinal na 11 puntos para sa 1-0 kalamangan.

Ito ang nagtulak sa Letran upang higit pang painitin ang laro nang kunin nila ang second set at 2-0 bentahe sa mahusay na court coverage at solidong depensa sa harap. Naging mainit si Maria Angelica Bigcas at tinangkang pigilan ang Letran sa pamamagitan ng malakas na kill sa pagpapanatiling buhay ang tsansa ng Lyceum na maaring magbigay sa kanila ng outright seat sa semis sa susunod na linggo.

vuukle comment

FAR EASTERN UNIVERSITY

GENELYN ALEMANIA

JOANA MARIE FERNANDO

KHRISTINE BASCO

LADY KNIGHTS

LADY PIRATES

LETRAN

LYCEUM GYM

MARIA ANGELICA BIGCAS

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with