Taulava kagabi sa penultimate game day ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa PhilSports Arena kagabi.
Tumapos si Miller ng 33-puntos, 15 nito sa ikalawang quarter at 12 sa final canto na sinegundahan naman ng 2004 Rookie of the Year na si Jimmy Alapag ng 24-puntos na lumukob sa pagkawala ng dalawang key players na nasuspindi ng isang laro, para ma-sweep ng Phone Pals ang kanilang tatlong laro at kunin ang No. 1 spot sa Group A.
Sa ikalawang laro, namayani naman ang Coca-cola kontra sa Barangay Ginebra 91-90, na naglagay sa kanilang sa No. 1 position sa Group B.
Base sa format, makakalaban ng No. 1 team ang No. 2 team ng kabi-lang grupo kaya makakasagupa ng Phone Pals ang Ginebra habang ang Red Bull naman ang makakaharap ng Tigers.
Dahil kumpleto na ang cast ng semis, wala nang bearing ang dalawang laro ngayon sa pagitan ng University of British Columbia at Alaska sa alas-4:10 ng hapon na susundan naman ng laban ng US Pro-Am team at San Miguel sa ikalawang laro, alas-6:30 ng gabi.
Nasuspindi sina Taulava at Honeycutt dahil sa malaking partisipasyon sa isang bench clearing incident sa kanilang laban kontra sa US Pro-Am team noong Huwebes. Bukod sa one-game suspension, pinagmulta rin ang dalawa ng tinatayang P100,000 dahil sa kanilang pakikipag-away sa mga players ng bisitang team. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)