PBL Unity Cup: Viva Mineral Water kampeon
June 20, 2004 | 12:00am
Isang bagong puwersa ng liga.
Isang malaking pag-atake ang pinakawalan ng Viva Mineral Water-FEU sa huling 8 minuto ng labanan upang pabagsakin ang Welcoat Paints, 60-55 at koronahan ang kanilang sarili bilang kampeon ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup kahapon sa Pasig Sports Center.
Matatag na pananalig, mayamang karanasan at mala-pader na depensa. Ito ang pinaghalu-halong sangkap na nagbigay sa Water Force ng kanilang kauna-unahang titulo sa tatlong kumperensiya pa lamang nila sa liga.
"We just stayed positive and weve learned our lesson. Alam na namin kung papaano manalo," wika ni Viva mentor Koy Banal, matapos ang panalo na nagbigay sa kanila ng 3-1 baraha sa best-of-5 serye.
Umiskor si Cesar Catli ng 13 puntos para pangunahan ang Viva. Subalit ang pinakamalaki at bagong sorpresa na inilantad ng Water Force ay nagmula sa rookie nitong si Neil Raneses, na kumana ng 12 puntos, kabilang ang mahahalagang basket sa krusiyal na bahagi ng laban.
Matapos ang dikit na simula, ang Welcoat ay nagsagawa ng pag-arangkada at kinontrol ang kalagitnaan ng laro bago nakabangon ang Viva.
Tabla sa 46-all sa unang 2 minuto ng fourth period, isang 10-2 run ang sinindihan ng triple ni Catli at tinuldukan ng jumper ni Raneses, ang pinaka-walan ng Water Force upang kunin ang 56-48 bentahe na kanilang pinangalagaan hanggang sa huli.
Ang Paintmasters ay nakalapit pa sa 55-58 sa pamamagitan ng eks-plosyon ni Jojo Tangkay subalit kinapos din matapos magmintis ang ilang tira at magtala ng turn-over. And dalawang split freethrow ni Denok Miranda ang nagselyo sa tagumpay.
Ang ace playmaker at Game 3 hero na si Warren Ybañez ang tinanghal na MVP ng finals. Siya ay umiskor ng 2 puntos la-mang sa larong ito subalit humatak ng 10 rebounds at nag-isyu ng 6 assists.(Ulat ni Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended