^

PSN Palaro

PAREHAS LANG SANA

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Hindi naman natin kinukunsinti si Talk N Text import Jerald Honeycutt sa kanyang ginawang pambubuno kay Michael Crotty ng US Pro-Am team pero malinaw na napundi siya sa ginawa ng kanyang bulinggit na kalaban.

Kasi nga, kitang-kita naman na inaabot ni Crotty ang mukha ni Honeycutt at hindi ang bola ang kanyang inaagaw sa huling 5.9 segundo ng laro. Hindi malayong nasundot pa sa mata si Honeycutt.

Sa puntong iyon, dapat siguro’y pumito na ang referee kahit pa sabihing malaki ang kalamangan ng Phone Pals sa US Pro-Am at sigurado na ang panalo nila. Ang foul ay foul! Kapag sinundot ka sa mukha, foul ‘yon.

Kung pumito ang referee, hindi na siguro nag-init ang ulo ni Honeycutt at hindi na nangyari ang "wrestling match." Kumbaga’y nagpabaya din ang referees dahil marahil ay iniisip nilang tapos na ang laro at wala nang kaaliwaswasang mangyayari pa.

Sa tutoo lang, marami ding maling ginawa ang mga Amerikano, e.

Sa unang laro na lang nila kontra Red Bull Barako ay makailang beses na lumampas sa kanyang linya ang coach na si Malcolm Smith. Nandoong nagtungo pa nga siya sa scorer’s table. Pero natawagan ba siya ng technical foul o nabigyan man lang ng warning?

Halimbawang si Red Bull coach Joseller "Yeng" Guiao ang tumawid ng linya at nagpunta sa scorer’s table, malamang na tawagan siya ng referee ng technical foul. Kasi iyon naman talaga ang rule, e. Kapag sinuway mo ang batas, mananagot ka. Ganyan ang kalakaran.

Pero hindi natawagan ng technical foul si Smith. Katwiran siguro nila’y bisita ang mga ito kung kaya’t kailangang pagbigyan.

Hindi naman siguro tama iyon. Okay na pabayaan si Smith sa una niyang pagkakamali at bigyan ng babala. Pero para ulit-ulitin niya ang ginawa niya, aba’y dapat na pituhan na siya ng referee! Hindi iyon nangyari.

So ngayon, sina Honeycutt at Paul Asi Taulava lang ang kagagalitan at parurusahan ng PBA gayung may kasalanan din naman ang mga Amerikano lalo na yung team manager nilang sumugod at umastang susuntok pa. E paano kung si Talk N Text team manager Frankie Lim ay umastang susuntok din? E ‘di may fine din siya samantalang yung manager ng US Pro-Am team ay walang fine!

Teka, teka. Hindi ba’t pareho lang pwedeng magkampeon ang Talk N Text at US Pro-Am squad kung saka-sakali. Pareho silang sumasailalim sa rules ng PBA. So kung may kamalian ang mga taga-Talk N Text at dapat na parusahan, aba’y ganun din dapat sa mga Amerikano.

E kaso nga bisita sila,e. Kahit ano yata ang gawin nila ay puwede. Kung halimbawang nag-walkout sila o hindi na maglaro pa, walang sanctions na puwedeng gawin ang PBA dahil bisita sila.

Unfair naman yata iyon sa Talk N Text at sa mga regular member teams ng PBA!

AMERIKANO

FRANKIE LIM

HONEYCUTT

JERALD HONEYCUTT

KAPAG

KASI

MALCOLM SMITH

PERO

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with