PBL Unity Cup: Korona tangka ng Viva Mineral Water
June 19, 2004 | 12:00am
Minsan na silang nalagay sa ganitong sitwasyon at batid ng Viva Mineral Water-FEU na ang paglapit sa titulo at pagkopo dito ay magkaibang bagay.
Tangan ang isa na namang napakalaking pagkakataon, tatangkain ng Water Force na gapiin muli ang Welcoat Paints, wakasan na ang kampeonato, at buhatin na ang titulo ngayon sa paglarga ng Game 4 ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup finals sa Pasig Sports Center.
Ang laban ay itinakda sa ganap na alas-3 ng hapon, kung saan ang panalo ng Viva ay magbibigay sa kanila ng kaunahang titulo mula nang sumali sila sa liga noong isang taon.
Kung mananalo naman ang Welcoat, ang do-or-die, winner-take-all game 5 ay gaganapin sa Martes.
Sa likod ng kabayanihan nina Warren Ybañez at MVP Arwind Santos, inungusan ng Water Force ang Paintmasters, 66-64, sa Game 3 kamakalawa, na nagbigay sa kanilang ng 2-1 bentahe sa kanilang best-of-5 series.
"Weve been here before. They (Welcoat) have been in this situation before and we knew that being up, two-to-one, in the series doesnt guarantee you anything. Its all up to GOD. His will be done. But we will try our best to finish it on game four," wika ni Viva coach Koy Banal
Noong 2003 Unity Cup--ang kanilang unang kumperensya, ang Water Force ay nakapasok sa finals subalit nabigo sa mas may karanasang Hapee Toothpaste sa kabila ng kanilang pagkakaroon ng 2-1 bentahe sa serye.
Ganito rin ang nangyari sa Paintmasters, kung saan umangat sila sa naturang bentahe pero yumuko pa rin sa Fash Liquid Detergent sa kampeonato ng nakalipas na Platinum Cup.
"Maybe Welcoat will use their situation now to redeem their selves from what happened to them last conference," dagdag pa ni Banal.
"Breaks of the game kaya natalo kami. But its not yet over," pahayag naman ni Welcoat rookie mentor Caloy Garcia. "Im confident my boys can bounce back, mga beterano na ang mga iyan kaya alam kong babalik ang mga iyan to prove something." (Ulat ni IAN BRION)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended