Ito ang napagdesisyunan ng PBA chief matapos dinggin ang paliwanag nina Honeycutt at Taulava at matapos rebisahin ang game-tape.
Tinatayang di bababa sa P40,000 at di tataas sa P50,000 ang ipinataw na multa ni Eala kay Taulava matapos nitong sikuhin si Rick Scott.
Dalawang violation naman ang nagawa ni Honeycutt kaya tinatayang P50,000 hanggang P60,000 ang kanyang fine. Bukod sa body contact ay binalibag din ni Honeycutt ang bola kay Michael Crotty.
"Taulava and Honeycutt were both apologetic and they admitted their mistakes," ani Eala. "But their actions were both unjustifyable so we have to impose fines and suspensions."
Hindi makakalaro sina Taulava at Honeycutt sa laban ng Phone Pals kontra sa Red Bull sa Sabado kung saan madedetermina ang kanilang puwesto patungong best-of-three crossover semifinals.
Pinarusahan din ni Eala si referee Patrick Canizares dahil nabigo nitong kontrolin ang sitwasyon kaya nagkaroon ng kaguluhan, may 5.9 segundo na lamang ang natitirang oras sa laban bagamat sigurado na ang 110-95 panalo sa Phone Pals.
Pinaalalahanan din ni Eala ang US Pro-Am team na pinangungunahan ni coach Malcolm Smith na nasangkot din sa kaguluhan kaya ito napatalsik sa laro, na kailangan nilang sumunod sa mga alituntunin ng PBA kahit guest team lamang sila.