PBL Unity Cup: Sino ang kukuha ng Game Three ?
June 17, 2004 | 12:00am
Ang krusyal na 2-1 bentahe at paglapit sa pintuan ng pinakami-mithing korona ang pag-aagawan ngayon ng magkatunggaling Wel-coat Paints at Viva Mineral Water-FEU sa pagsiklab ng pivotal na Game-Three ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup finals sa Pasig Sports Center.
Ang laban ay itinakda sa ganap na alas-3:30 ng hapon.
Sa paghahati ng Paint Masters at Water Force sa unang dalawang laro, ang best-of-five serye ay lumiit na sa isang best-of-three affair at ang laban na ito marahil ang pinaka-importante para sa dalawang koponan.
Ang mananalo ngayon ay magkakaroon ng tsansang wakasan ang serye at buhatin ang titulo sa Sabado. Ang Game-Five, kung kinakailangan, ay sa Martes.
Matapos ang 54-59 overtime loss sa series opener, ang Welcoat ay nagsagawa ng malaking pagbalikwas nang ilampaso nila ang Viva, 52-35 sa Game-Two kamakalawa dahilan upang lumipat sa kanilang panig ang Momentum.
Sa kanilang naturang tagumpay, ang Welcoat na mas kilala sa kanilang eksplosibong opensa ay nagpamalas ng pinag-ibayong depensa. Ang 35-puntos na produksiyon ng Viva ay ang pinaka-mababa na na-iskor ng isang koponan sa kampeonato at second all-time low sa kasaysayan ng liga.
Kung magtatagumpay sa serye, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakampeon ang Paint Masters na hindi nila nawalis ang finals. Ang kanilang unang limang titulo ay nakamit via sweep.
Sa kabilang panig naman, ang Viva ay umasinta sa unang titulo sa tatlong kumperensiya nila bilang miyembro ng PBL at sa kabila ng kanilang pagkatalo ay nananatili pa ring optimistiko ang tropa ni coach Koy Banal sa tsansa.
Isa sa pangunahing dapat hanapan ng Water Force ng paraan ay kung paano ibabalik ang mga eksplosibong laro ng kanilang mga key players, partikular ang MVP na si Arwind Santos na sa nasabing pagkatalo ay nadiyeta sa 8-puntos.(Ulat ni IAN BRION)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended