^

PSN Palaro

Coke umusad sa semis

-
Ginaya ng Coca-cola ang ginawang paglampaso ng Barangay Ginebra sa bisitang University of British Colombia at ang Tigers at Gin Kings ang unang dalawang koponang nakakopo ng tiket papasok sa semifinals ng Philippine Basketball Association Gran Matador Fiesta Conference.

Gamit ang mainit na pasimula at eksplosibong pagtatapos, dinimolisa ng Tigers ang Thunderbirds, 110-95, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa quarterfinals kagabi sa Araneta Coliseum.

"We’re happy we got to the Final Four. But we’re not kidding ourselves. We know that the semis is a much tougher regardless of who we face there," wika ni Coca-cola mentor Chot Reyes.

Ang Tigers at Gin Kings, na kapwa may 2-0 rekord sa Group B ay magsasagupa sa Sabado para madetermina ang kanilang seedings sa kasunod na yugto ng transition tournament na ito.

Ang No.1 sa Group A ay haharap sa No.2 ng Group B habang ang top seed sa Group B ay lalaban sa second seed sa Group A sa best-of-3 semis na magsisimula sa Miyerkules.

Kumana ang import na si Mark Sanford ng 23 puntos at 7 rebounds habang si Jeffrey Cariaso ay umiskor ng 20 puntos para pamunuan ang Tigers, na naglatag ng mainit na pasimula subalit kinailangan pang magpakawala ng isang malaking pagtakbo sa huling dalawang yugto upang ganap na maiwanan ang Thunderbirds at makopo ang panalo.

Di tulad ng kanilang debut noong Linggo, kung saan dinimolisa sila ng Gin Kings, 110-79, ang T-birds ay nagpamalas ng mas magandang laro sa labang ito. Sa katunayan, ang tropang ito ni coach Kevin Hanson ay ilang beses pang nakipagpalitan ng trangko sa Tigers bago kinapos.

Mula sa manipis na 78-74 bentahe, isang 16-4 run ang pinalarga ng Tigers, na tinuldukan ng jumper ni Sanford may 8:23 ang nalalabi sa laro upang makalayo sa 94-78 at hindi na lumingon pa.

Bukod kina Sanford at Cariaso, nakakuha din ng magandang laro ang Tigers mula kina Johnny Abarrientos at Poch Juinio, na nagsalo sa 33 puntos, at kay Rudy Hatfield, na muntik nang magrehistro ng triple-double sa kanyang 9 puntos, 14 rebounds at 10 assists.

Si Randle ay tumapos na may 23 puntos at 8 rebounds habang si Mark Tasic ay may 15 puntos para sa UBC, na isinama sa hukay ang Alaska. Ang Thunderbirds at Aces ay maghaharap sa no-bearing game sa Linggo.

Ang Fil-Canadian na si Karlo Villanueva, na nabigong makapagtala ng puntos kontra Gin Kings, ay umiskor ng 5 puntos, 5 rebounds at 6 assists sa 36 minutong pagsalang. (Ulat ni IAN BRION)

ANG FIL-CANADIAN

ANG NO

ANG THUNDERBIRDS

ANG TIGERS

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

GIN KINGS

GROUP A

GROUP B

PUNTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with