Tumikada si Chester Tolomia ng 16 puntos at nilimitahan ng Paint-masters ang Water Force sa 20% shooting upang mahatak ang panalong nauwi sa best-of-three affair.
Ang Game Three ay bukas.
Matapos umarangkada sa 15-4 abante sa unang 7 minuto, ang Welcoat ay hindi na lumingon pa at dominahin ang Viva sa kabuuan ng laro.
Mula sa pagiging kontrobersiyal na rookie sa UAAP tungo sa pagiging pinakamagaling na amateur sa bansa.
Ito ang nangyari kay Arwind Santos ng Viva-Mineral Water-FEU nang tanghalin siya bilang Most Valuable Player ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup Achievement Awards kahapon.
Ang 6-foot-4 na si Santos ay lumikom ng kabuuang 579.41 mula sa statistics at boto ng mga media at kapwa niya manlalaro. Tinalo niya sa parangal ang mga ex-pro na sina Jojo Tangkay at Chester Tolomia ng Welcoat Paints na may 453.295 at 445.06 puntos ayon sa pagkakasunod.
Sina Santos, Tangkay at Tolomia ang siya ring bumuo sa Mythical Five kasama ang dalawa pang Water Force na sina Denok Miranda at Mark Isip.
Sina Ronjay Enrile ng Toyota Otis-Letran, Warren Ybañez at Jason Misolas ng Viva, Marvin Ortiguerra ng Welcoat at Mark Macapagal ng Hapee Toothpaste bilang Miyembro ng Second Team.
Sina Boyet Bautista ng Knights ang kinilala bilang Top Newcomer, Aaron Aban bilang Sudden Impact player habang sina Tolomia at Eric dela Cuesta ng Blu Star na-man ang tumanggap ng Sportsmanship at Consistensy award ayon sa pagkakasunod.(Ulat ni Ian Brion)