^

PSN Palaro

PBA Fiesta Conference: Art Long pauuwiin na ng San Miguel Beer

-
Pababalikin na sa Amerika ng San Miguel Beer ang kanilang temperamental import na si Art Long.

Ito ay ipapabatid ng SMB ngayon sa PBA makaraang magdesisyon ang SMC management na pa-win na ang kanilang import dahil sa dismayado sila sa performance ni Long, lalo na dito sa kasalukuyang quarterfinal round ng PBA Fiesta Conference.

Matapos makuha ang top seed na team sa kanilang bitbit na 16-2 win-loss slate na nagdala sa kanila sa awtomatikong quarterfinal slot, hindi naman naging maganda ang bungad sa kanila nang agad makalasap ng dalawang sunod na kabiguan. Una sa kamay ng Red Bull Barako noong Miyerkules, 96-89, at ikalawa naman ay noong Sabado kontra naman sa Talk N Text, 104-92.

Bunga ng dalawang kabiguang ito, nasa delikadong kalagayan na ngayon ang Beermen patungo sa semis kung saan ang dalawang pangunahing team sa dalawang grupo ang maglalaban sa crossover semis, kaya’t malamang na hindi na rin sila kumuha ng ipapalit kay Long.

Sa kanilang laban sa Red Bull, umiskor si Long ng 21 puntos, 13 rebounds, 5 assists at 2 blocks habang nagtala naman ito ng 17 points, 16 rebounds at 2 assists laban sa Phone Pals.

Sa kabuuan, ang mainitin ang ulo na si Long, na may average na 24.5 pts per game, 13.1 rebounds, 4.2 assists, 1.2 steals at 5 turnovers ang kulelat na performance sa 10 imports sa nagdaang eliminations kung saan nangunguna si Sta. Lucia import Derek Brown.

Nasa hulihan din si Long sa walong team na nasa finals kung saan namamayagpag naman si Mark Sanford ng Coca-cola Tigers kasunod si Victor Thomas ng Red Bull at Jerald Honeycutt ng Talk N Text. (Ulat ni Dina Marie Villena)

ART LONG

DEREK BROWN

DINA MARIE VILLENA

FIESTA CONFERENCE

JERALD HONEYCUTT

MARK SANFORD

PHONE PALS

RED BULL

RED BULL BARAKO

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with