"To tell you honestly, I dont think its a strong division now," wika ni Harrison na magdedepensa ng kanyang World Boxing Organization featherweight title ngayong Sabado sa Braehead Arena sa Glasgow, Scotland.
"Pacquiao and (Injin) Chi? I could beat them both," dagdag pa ni Harrison, na mayroong dalang 21-2-1 win-loss-draw kartada na may-roong kasamang 11 knockouts. Si Chi ang kasalukuyang kampeon ng featherweight division ng World Boxing Council (WBC).
Bagamat hindi naman gaanong iniismol ni Harrison ang kanyang mga ka-tsokaran sa 126-lb division, tiwala siya na kaya niyang talunin ang sinuman upang magbigay daan sa kanyang pangangampanya sa mataas na division.
"I will step up a weight and do the same there."
Bahagyang nasira ang imahe ni Pacquiao matapos ang kanyang Mayo 8 duwelo kay Juan Manuel Marquez ng Mexico sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, kung saan pinabagsak ni Pacquiao ang kalaban ng tatlong beses ngunit nabigo itong tapusin ang laban.
Inaasahan na babalik sa aksiyon si Pacquiao sa Setyembre kontra kay Marquez o di kayay si Marco Antonio Barrera, ayon kay Murad Muhammad, ang US promoter ni Pacquiao.
Samantala, nagtipon-tipon kahapon ang miyembro ng Ratings Committee ng Games and Amusements Board upang gawin ang May 2004 ratings. Pinangunahan ni GAB boxing division head Noli Flores ang mga nagsidalo ng meeting.
Tinanghal na Boxer of the Month si Michael Domingo, sa super-bantamweight na tumalo sa isang Koreano na rated No. 11 ng WBC.
Nagsipuntahan din sa meeting sina Alex Villacampa, Nard Trinidad, Dominic Menor, Nick Giongco, Dr. Nasser Cruz, JC de Guzman at Glenn Fuentebella.