UST belles malinis ang record
June 14, 2004 | 12:00am
Nalusutan ng University of Santo Tomas ang pinakamalaking banta sa kanilang koponan nang igupo nila ang Lyceum, 25-13, 21-25, 25-20, 25-23, kahapon at manatiling malinis sa Shakeys V-League sa Lyceum Gym.
Ibinigay ni Joyce Pano ang killer blows na kinabibilangan ng tatlong malulutong na spikes sa duluhan ng ikaapat na set at igawad sa Tigress ang kanilang ikalimang sunod na tagumpay at manatili ring nasa itaas.
Sinandalan ang mga mali ng Lyceum, magaan na kinuha ng Tigress ang unang set ngunit nagising ang Lady Pirates sa ikalawang set upang itabla ang iskor sa 1-1.
Dinomina ni Maria Angelica Bigcas ang sets sa pamamagitan ng kanyang malalakas at pamatay na spikes upang kunin ng Lyceum ang 8-2 abante sa ikatlong set, ang bentaheng nabawasan ng hanggang 20-19 bago nakipagtulungan si Pano kay Mary Jean Balse upang maagaw ang huling anim na puntos para sa 2-1 kalamangan.
Ito ang ikaapat na kabiguan ng Lyceum kontra sa isang panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended