^

PSN Palaro

Kano 'di umubra sa Barakos

-
Pinasiklaban nina import Victor Thomas at Homer Se ang mga bisitang US Pro-Am team para sa 101-91 panalo sa pagpapatuloy ng quarterfinal phase ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa Araneta Coliseum kagabi.

Humakot si Thomas ng 27-puntos na sinigundahan naman ni Se ng kanyang conference-high na 20-puntos para sa ikalawang sunod na panalo ng Barakos sa round na ito na naglapit sa kanila sa top-two ng grupo na uusad sa best-of-three cross over semifinals.

Matapos masundan ng Red Bull ang 96-89 panalo sa San Miguel, halos nakakasiguro na sila sa susunod na round ngunit para ipormalisa ito ay kailangan nilang talunin ang Talk N Text sa Sabado para makumpleto ang sweep.

Nasayang ang 19-point performance ni Keith Friel at ang 16-puntos ni Courtney Eldrige sa kabiguan ng US Pro-Am sa kanilang debut game.

Buhat sa delikadong 86-84 kalamangan, nagtulong sina Thomas at Se para ilayo ang Barakos.

Naging sentro ng atensiyon ang match-up ng mga guwardiyang sina Jimwell Torion at ng kanyang counterpart na si Courtney Eldridge na tumapos ng 16-puntos sa likod ni Keith Friel na nanguna sa team na may 19 puntos.

Bukod kina Thomas at Se, naka-double digit din sina Enrico Villanueva (11), Torion (10) at Davonn Harp (10).

ARANETA COLISEUM

BARAKOS

COURTNEY ELDRIDGE

COURTNEY ELDRIGE

DAVONN HARP

ENRICO VILLANUEVA

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

HOMER SE

JIMWELL TORION

KEITH FRIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with