Pinagtulungan ng magkatambal na sina Miguel Bel-monte CEO/president ng Star Group of Publications at Chester Cordero ang magka-partner na sina dating PBA superstar Allan Caidic at Amador Obidos tungo sa 15-1, 15-4 pananalasa upang makopo ang mens doubles event.
Itinakda ng Phil. Star at SMC-CAO ang titular showdown sa naturang event nang kapwa manaig sa kani-kanilang asignatura sa semifinal.
Pinayuko ng Star Shuttlers ang tambalang Allan Coronel at Jojo Garcia ng ABS-CBN, 15-0, 15-3 habang pinataob naman ng SMC pair sina Jun Advincula at Gerry Esmaquilan ng DWIZ 15-2, 15-2 para itakda ang kanilang paghaharap sa finals.
Nasungkit naman ni Doddie Gutierrez ang karangalan nang igupo niya si Jaypee Pacheco 15-0, 15-4 sa finals ng mens singles.
Ibinulsa naman ng tam-balang Anna Filamor at Ariel Bentajado ang mixed-doubles crown makaraang gapiin ang ABS-CBN mixed double partner nina Asia Fernandez at Rachel Bugia, 15-8, 15-10.
Mula sa limang events na pinasukan ng Star tanging dalawa lamang ang hindi nakuha nang hindi sinuwerte si Ma. Annalyn Delgado sa pakikipaglaban kay Amanda Carpo ng Phil. Daily Inquirer, 15-9, 15-2 sa womens singles finals para makamit ng taga-PDI ang korona sa womens singles.
Hindi naman nakatuntong sa finals ang duo nina Tina Poblador at Jen Sulabayba nang pasikatan sila ng tambalang Gem Padilla at Doris Dumlao ng PDI sa semis ng womens doubles, na siyang nagkampeon sa event maka-raang igupo ang tambalang Evette Borromeo at Gidget Alikpala ng ABS-CBN, 15-5, 15-8.
Pumangalawa sa team event sa likuran ng overall champion Philippine Star ang ABS-CBN habang third placer ang Phil. Daily Inquirer at fourth ang EJAP.