^

PSN Palaro

CEBU, HANDA NA SA SEAG

GAME NA! - Bill Velasco -
Magiging punong-abala ang Cebu sa dancesport, judo, karatedo, pencak silat at chess sa Southeast Asian Games sa unang pagkakataon.

Ngayon pa lang, pinaghahandaan nila ng puspusan ang pagtataguyod ng mga labanan.

"We talked to the National Sports Associations involved," paliwanag ni Jonathan Guardo, chairman ng Cebu City Sports Commission. "They came to Cebu to inspect the potential venues, and we just have to sign the Memorandum of Agreement."

Ang Cebu ang kauna-unahang siyudad sa Pilipinas na may sariling sports commission.

Sa katunayan, ilan nang bayan ang nakipag-usap sa kanila upang gumaya.

"We need to meet with the private sector groups, like Cebu businessmen, Rotary, Jaycees, Cebu Visitors Conventions Bureau," dagdag ni Guardo. "That way, the burden will be spread out."

Nararapat na masangkot ang Cebu, sa maraming dahilan. Una, matagal na nilang gustong ipamalas na kaya nilang gawin ang lahat na kayang gawin ng Metro Manila.

Pangalawa, aktibo ang kanilang sports media. Pangatlo, buhay na buhay ang mga larangang tulad ng dancesport sa tinaguriang "Queen City of the South."

Namakyaw ang Cebu Dancesport ng ginto sa huling Dancesport Council of the Philippines ranking tournament.

"This is a big honor for Cebu," sambit ni Edward Hayco, pinuno ng Cebu Dancesport. "We know we can do well. But we will also go out of our way to show our visitors the beauty of the Philippines."

Sana’y magkasya ang oras at salapi na gugugulin para sa SEA Games.

Anumang karangalang makukuha ng Cebu ay magiging salamin ng Pilipinas sa mundo.

ANG CEBU

CEBU

CEBU CITY SPORTS COMMISSION

CEBU DANCESPORT

CEBU VISITORS CONVENTIONS BUREAU

DANCESPORT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

EDWARD HAYCO

JONATHAN GUARDO

MEMORANDUM OF AGREEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with