Sasabak ang Philippine Star badminton team na may-roon nang 50-total point, sa limang nakalinyang event --womens at mens singles, womens at mens doubles, at mixed doubles.
Pangungunahan ni Miguel Belmonte, presidente ng Philippine Star na makikipagtambal kay Chester Cordero sa kanilang pakikipagharap kina Allan Coronel at Jojo Garcia ng ABS-CBN sa mens doubles. Ang mananalo sa labang ito ay haharap sa winner ng isa pang match sa pagitan ng tambalan ng sikat na basketball star at dating Ginebra coach na si Allan Caidic at Amador Obidos para sa SMC team na lalaban kontra kina Jun Advincula at Gerry Esmaquilan ng DWIZ.
Haharapin ni Phil.Star Annalyn Delgado si Phonam Gatela ng ABS-CBN na nasa ikalawang puwesto sa overall na may 39-points katabla ang San Miguel, kung saan ang magwawagi ay makakalaban naman ang winner sa pagitan nina Amanda Carpo ng Philippine Daily Inquirer at Pearl Bantillo ng EJAP sa womens singles finals, habang sa mens naman makikipagpalitan ng palo si Dodie Gutierrez kay Dan Campila ng RPN-9 at Jaypee Pacheo ng San Miguel vs Don Pira ng IBC-13.
Makakalaban naman ng tambalang Star na sina Tina Poblador at Jen Sulabayba sina Doris Dumlao at Maggie Debuque ng Phil. Daily Inquirer at sa isa pang match ay sa pagitan nina Evetter Borromeo at Gidget Alikpala ng ABS-CBN versus Honey Reyes at Beth Sanchez ng DWIZ.
Sa mixed doubles magkakasagupa naman ng pares nina Anna Filamor at Ariel Bentajado sina Rezi Jimenez at Manuelito Dulay ng SMC habang magha-harap naman ang ABS-CBN tandem nina Asia Fernandez at Maloli Manalasta at EJAP duo nina Ela Friginal at Daxim Lucas.