Sa kabila nito, hindi naniniwala sina Water Force coach Koy Banal at Paintmasters mentor Caloy Garcia na malas ang manalo sa unang laro ng finals at parehong determinado ang kanilang mga tropa na kunin ang Game 1 ng kanilang best-of-5 titular series para sa korona ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup, na lalarga ngayon sa Pasig Sports Center.
Ang laban ay itinakda sa ganap na alas-3:30 ng hapon o matapos ang one-game battle for third sa pagitan ng napatalsik na kampeong Hapee Toothpaste at Toyota Otis-Letran sa ala-una y medya.
Gaano ka-importante ang Game 1?
Sinasabi na sa maikling seryeng gaya nito, ang koponang nagwawagi sa Game 1 ay may napakalaki o higit sa 70% probabilidad na masungkit ang titulo.
Ang Viva ay papasok sa seryeng ito na may mas magandang rekord, 13-3 kumpara sa 10-6 ng Welcoat, subalit ang lahat sa kabiguan ng Water Force ay nagmula sa Paintmasters dahilan upang walang maging klarong paborito o liya-mado sa kanilang pagtutuos na ito.
Ang dalawang koponan ay parehong may solidong starting unit at malalim na reserba. (Ulat ni IB)