Walang dudang ang balikat ni Arwind Santos ang papasan sa Viva Mineral Water-FEU at ang kanyang ipamamalas na laro ang siyang magiging sukatan kung ito na nga ba ang panahon para pagharian ng Water Force ang liga matapos ang tatlong komperensya nilang paglahok dito.
Sa kabilang panig, si Jojo Tangkay pa rin ang numero-unong pambato ng Welcoat Paints at hindi lang ang mapasakamay ang tropeo ng MVP ang kanyang misyon kundi ang ibalik ang Paint-masters sa lupang pangako.
Matatandaang si Tangkay nasilat ni Peter June Simon sa naturang indibidwal na karangalan sa nakalipas na Platinum Cup, kung saan nabigo rin ang Paintmasters na masungkit ang korona nang pabagsakin sila ng Fash Liquid Detergent.
Bukod kina Santos at Tangkay, inaasahang magkakaroon din ng krusyal na papel sa best-of-5 titular series na ito ang iba pang miyembro ng dalawang koponan.
Ang Game 1 ay sasar-go bukas sa Pasig Sports Center.
Si Santos ay susuportahan nina Denok Miran-da, Mark Isip, Warren Ybanez at Gerard Jones para sa Viva habang si Tangkay at ang Welcoat ay kukuha ng karagdagang lakas mula kina Chester Tolomia, Marvin Ortiguerra, Dino Aldeguer, at Ariel Capus.
Kapwa naniniwala sina Water Force mentor Koy Banal at Paint-masters rookie coach Caloy Garcia, na isang napakahirap at mahigpit na serye ang nakatak-dang maganap, at ang koponang mas may puso at mas gutom sa karangalan ang siyang kara-pat-dapat magkampeon. (Ulat ni IAN BRION)