Officiating sa PBA binatikos uli ni Yeng Guiao
June 11, 2004 | 12:00am
Kamakailan lamang ay nagbayad ng malaking multa si Red Bull coach Yeng Guiao dahil sa kanyang pambabatikos sa officiating ng Philippine Basketball Association.
Siguradong mas malaking multa ang ipapataw ngayon kay Guiao nang muli itong magpahayag ng maanghang na salita laban sa PBA dahil sa masamang officiating ng kanilang panalo noong Miyerkules ng gabi laban sa San Miguel sa pagbubukas ng quarterfinal phase ng PBA Gran Matador Fiesta Conference kamakalawa.
"I think the officiating suck," ang sabi ng disyamadong si Guiao matapos itong ma-thrownout sa laro dahil sa isang tawag kay Mick Pennisi laban kay SMBeer import Art Long.
Hindi napigilan ni Guiao ang kanyang emosyon dahil sa naturang tawag, aniyay si Long ang offensive dahil sinagasaan nito ang kan-yang bantay na si Enrico Villanueva na nakatalikod, ngunit ang nasa likod na si Pennisi ang tinawagan ng foul.
"Im just surprise the way the referees are calling again," wika pa ni Guiao na kamakailan lamang ay na-sanction nang kanyang sabihing napakasama ng officiating sa torneong ito matapos ang triple over-time game win laban sa Purefoods sa elimination. Pinagmulta rin si TJ Hotdogs mentor Ryan Gregorio na nagsalita rin ng negatibo tungkol sa officiating ng naturang laro.
"Its a pity that the referees are taking away all the hard effort that we put into the game. Its not the first time. Im not the first coach. Were all singing the same tune."
Nito lamang Martes ay nanggaling ang buong team ng Sta. Lucia sa tanggapan ni PBA Commissioner Noli Eala para sama-samang magpahayag ng kanilang hinaing sa officiating ng kanilang laban kontra sa Ginebra sa wild card phase kung saan sila ay nasibak ma-tapos ang 105-108 pag-katalo.
Bagamat batid ni Guiao na muli siyang ma-sa-sanction sa kanyang inasal, isang hamon ang kanyang binitiwan para sa PBA.
"Somebody has to take responsibility and be answerable all the way to the top. Theyre not saying anything about it. Theyre not making any statements. Its all hush hush. Theyre trying to make it hush hush. Magsalita naman sila, puro sila patago!"
Samantala, wala pang desisyon si Eala kay Sta. Lucia coach Alfrancis Chua na nagpahayag din ng maanghang na salita sa officiating ng kanilang nakaraang pagkatalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended