PBL Unity Cup: Hapee di umubra sa Viva
June 9, 2004 | 12:00am
Matapos ang isang taong paghahari, bababa na sa trono ang Hapee Toothpaste upang bigyan daan ang pagluklok ng susunod na bagong kampeon--ang Viva Mineral Water-FEU o ang Welcoat Paints.
Tinapos ng Water Force ang dalawang kumperensiyang pag-angkin ng Teeth Sparklers sa titulo nang pataubin nila ito sa pamamagitan ng 49-41 desisyon kahapon sa huling laro ng semifinals ng PBL Unity Cup sa Pasig Sports Center.
Bunga nito, ang Water Force at ang Welcoat ang siyang magtatagisan sa best-of-five series para sa titulo, habang ang Teeth Sparklers ay haharap sa Toyota Otis-Letran para sa konsolasyong ikatlong puwesto.
Ang Game 1 ay gaganapin sa Sabado.
Pumukol ang point guard na si Warren Ybañez ang 13 puntos at apat na rebounds upang pangunahan ang Water Force, na nalimitahan ang katunggali sa 6 na puntos sa unang yugto at 5 sa ikalawa upang makontrol ang laban hanggang sa huli.
Ang Hapee ay mayroon lamang 22 puntos matapos ang tatlong quarter at ang kanilang tangkang makabalik ay sinawata ng Viva sa pamamagitan ng pagbubuslo nito ng 11 sa 12 nitong freethrow sa huling 3 1/2 na minuto ng laban.
Sa unang laro, ginapi ng Welcoat ang Toyota Otis-Letran, 76-66 para sa kanilang ika-10th panalo sa 16 asignatura. (Ulat ni Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended