Shakey's V League: UST vs San Sebastian
June 8, 2004 | 12:00am
Humanda para sa bigating aksiyon sa volleyball ngayon sa paghaha-rap ng University of Santo Tomas at San Sebastian College sa duwelo ng walang talong koponan na sinasabi ng marami na preview ng kampeonato sa Shakeys V-League sa Lyceum Gym.
Ipinagmamalaki ang pinakamahuhusay na spikers ng liga, aasintahin ng Tigress ang kanilang ikaapat na sunod na pa-nalo ngunit puntirya naman ng Lady Stags na pigilan ito para naman sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa pang-alas 3 ng hapon na engkuwentro na ipapalabas sa telebisyon sa IBC-13.
At hawak ang depensa at mahuhusay na players na may power spikes, ang palagiang UAAP champion na UST ay nilamog ang Letran College, 25-10, 25-14, 25-19, noong Linggo upang makopo ang solo liderato sa anim na team na kala-hok.
Nauna rito sinagpang ng Tigress ang La Salle at Lyceum.
Nasa harapan ng atake ng Tigress sina Venus Bernal at Mary Jean Bal-se, ang rookie transferee mula sa Davao, habang sina Joyce Pano, Anna Eliza Fulo at Co Yu Kang sisters Karen at Kate ay inaasahang magbibigay ng kinailangang backup.
Tulad ng Tigress, ang Mendiola-based belles ay palalakasin naman ng mga pangunahing hitters ng liga sa troika nina Angela Descalsota, Jinni Mondejar at Jeanne Espolong, na nagpakawala ng solidong laban na naging susi sa tagumpay nila kontra sa Far Eastern U Lady Tams at Lady Knights.
Samantala, maghaharap naman ang FEU at Lyceum sa ganap na alas-5 ng hapon kung saan kapwa umaasa na mapigil ang dalawang sunod na kabiguan sa paunang pagtatanghal ng event na magsisilbing pagbabalik ng womens volleyball na inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.
Kailangan ng Lady Tamaraws na manalo upang makapasok sa win column makaraan ang tatlong beses na pagtatangka.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended