Abat sa ngayon, ang Tigers pa rin ang may pinakamaraming games na nalaro sa kasalukuyang conference. At sa tutoo lang, magmula pa noong 2002, ang Tigers ang siyang may pinakamaraming games na nalaro. Hindi nga bat nakarating sila sa Finals ng huling apat na PBA Conference kung saan nakapagsubi sila ng dalawang kampeonato?
So, sa ganitong sitwasyon, hindi pa ba pagod ang Tigers?
Marahil ay pagod nga sila. Pero katawan lang nila ang napapagod at hindi ang isip. Nakakabawi naman sila sa pagod ng katawan, e. Nakakatulog sila pagkatapos manalo ng laro o ng kampeonato. Nagiging masarap ang kanilang pakiramdam pagkatapos.
Pero sa kabila nitoy iniisip pa rin nila kung paano muling magkakampeon. Iyon ang mahirap na ikintal sa isipan ng mga manlalarong nagiging successful.
Kaya naman nakakabilib din si coach Vincent "Chot" Reyes kung paano niya mino-motivate ang kanyang mga players na nangarap pang magkampeon kahit na nasa itaas na sila.
Ang iba kasing payers, kapag nakarating na sa itaas ay nakukuntento na. Parang iniisip nilang wala na silang dapat na patunayan pa. Iba ang Tigers.
Ani Reyes, "When you look at this team, you see that we are only ones without a number one draft pick. Yung mga players namin with the exception of Rudy Hatfield and Jeffrey Cariaso, ay ipinamigay na ng mga dating teams nila. Pero nandoon pa rin kami."
Siguro nga, iyon ang dahilan kug bakit hindi humuhupa ang hangarin ng Tigers na makapagpakitang gilas. Nais nilang patunayan na dapat pa rin silang respetuhin.
Abay muntik na ngang madapa ang Tigers dahil sa natalo sila nang dalawang beses sa dulo ng qualifying round ng kasalukuyang torneo bago nagwagi kontra Shell Velocity sa kanilang last game. Dahil ditoy dumaan pa sila sa playoff kontra Alaska Aces para sa ikalawang automatic quarterfinals berth. Pero tinalo nga sila ng Aces kung kayat bumagsak sila sa "wild card" phase kontra Purefoods. Bagamat may twice-to-beat advantage ang Tigers, maselan din ang sitwasyong iyon.
Sa tutoo lang, nanakot pa ang Hotdogs dahil nagawa ng tropa ni coach Paul Ryan Gregorio na makalamang ng 11 puntos sa second quarter. Pero dahil sa mas solid ang samahan ng Tigers ay nakabawi sila sa third quarter at nagwagi nga upang makausad na sa susunod na yugto.
Ang tanong lang nga ngayon ay kung kaya pa ng Tigers na ipagpatuloy ang kanilang martsa sa simbahan o sa kampeonato. Kasi ngay hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang kanilang import na si Mark Sanford na maipahinga ang injured na tuhod nito. Titiyagain na lang ni Sanford ang mga laro hanggang sa dulo ng torneo. Pag natapos na ang kanyang misyon, at saka pa lang siya magpapahinga. Kahit si Sanford ay nag-iisip na rin ng tulad ng mga locals ng Coca-cola.
Walang makapagsasabi kung kailan huhupa ang hangarin ng Tigers na patuloy na mamayagpag.
Pero nakakabilib na sila, ha!