Team All-Stars nalo sa Dagupan leg
June 7, 2004 | 12:00am
Sumandig ang Team All-Stars sa mainit na mga kamay nina Anthony James Arboleda at Bruce De Castro upang dominahin ang Lifan Motorcycle National Junior 3-on-3 Challenges Dagupan leg kamakailan.
At dahil sa pinagtulungan nina Arboleda at De Castro ang atake ng All-Stars upang bugbugin ang San Fabian, 15-7 at makasama ang mga nauna ng Lifan stage winners na Malolos (Bulacan), Pililia-Rizal (Antipolo), Rosario (Batangas), Mabuhay-Dasmariñas (Cavite) at Sta. Rosa (Laguna) sa national finals na nakatakda sa Manila sa Hulyo 3-4.
Ang iba pang team members ng Team All-Stars na nagwagi rin ng P5,000 dahil sa kanilang panalo ay sina Adrian Fernandez at Dandred Villanueva kung saan si Urbano Pontawe ang siyang tumayong coach.
Ang San Fabian ay binubuo naman nina Gilmark Meneses, Kenneth Ursua, Mark de Guzman, John Andrew Navarro at coach Weron Sumintac.
Nakopo naman ng Labrador na binubuo nina (Edward Manuel, Jaypee de Vera, Janno dela Cruz, Michael Escano, coach Arnold Estrada) ang ikatlong puwesto, habang ang Pogo Grande nina (Jedpy de Guzman, Kaiser Caluan, Jake Coronez, Joy Manois at coach Jordan Castro) ang ikaapat na puwesto sa 3-on-3 series na ito na sponsored ng Lifan at sanctioned ng Basketball Association of the Philippines.
Umabot sa 37 teams mula sa buong panig ng Dagupan ang sumali sa 3-on-3 na ito kung saan habang sinusulat ang balitang ito ang naturang tournament ay kasalukuyang inilalaro ang Zamboanga leg bago tumungo sa Naga, Camarines Sur sa June 8-9.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended