Kampanya ng UST higit na lumakas

Higit pang pinalakas ng University of Santo Tomas ang kanilang pananalasa nang pabagsakin nila ang Letran College sa mabilis at walang-awang straight sets na panalo kahapon upang makuha ang so-long pamumuno sa Shakey’s V-League sa Lyceum gym.

Malagkit na depensa sa set at matitinding pares ng malalakas na spikers ang iniharap ng Tigress para itala ang 25-10, 25-14, 25-19 panalo sa isang oras lamang na laban para idispatsa ang kalaban at manatiling walang talo sa event na isinasa-ere ng ‘live’ sa IBC-13 at nagsisilbing pagbabalik ng women’s volleyball.

Nag-init sina Venus Bernal at Mary Jean Balse sa harap sa pamamagitan ng matitinding kills habang pinalibutan naman ang net ng solidong depensa na nagpatigil sa Lady Knights spikers.

Gayunpaman, hindi pa rin nasiyahan si UST coach August Sta. Maria sa naging panalo ng kanyang mga bataan, na ang laro ay nagsisilbing tune-up para sa pinakahihin-tay na laban nila ng powerhouse San Sebas-tian sa Martes.

"I think Letran played a bad game, they couldn’t receive well," ani Sta. Maria, na gumiya sa naturang paaralan ng ilang bilang ng UAAP title sa loob ng 24 taon kung saan kasikatan ng UST volleyball.

"Nakatulong din dun ‘yung mga blockers ko, pinahirapan talaga nila ang spikers ng Letran," dagdag pa niya.

Binuksan ni Joyce Pano ang laban sa pamamagitan ng ace na nagpanimula sa España-based belles na agad makuha ang set sa loob ng 15 minuto habang nagbigay lamang ng 10 pun-tos sa kalaban.

Dalawang beses hinawakan ng Lady Knights ang trangko na ang huli ay sa iskor na 3-1 sa second set ngunit iyon na ang huli nang magtulong sina Ber-nal at Balse, ang rookie transferee mula sa Davao, ang namahala sa pagbibigay ng malulutong na smash upang kunin ang set at ang commanding 2-0 lead.

At nang pinahinga ni Sta. Maria ang kanyang mga mainstay, sinamantala ito ng Letran at mula sa 8-13 deficit sa ikatlong set nagawa nilang itabla ang iskor sa 18-all. Ngunit binigo ni Bernal, na naglalaro sa kanyang ikalawang UAAP season sa UST, ang pagbangon ng kalaban nang magsa-gawa ito ng ilang serye ng winners.

Show comments