Maraming nangangambang baka ito ang mangyari sa bagong import ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs na si James Head na humalili kay Joseph Zaletel.
Kasi ngay nahaharap na sa delikadong sitwasyon ang Hotdogs na makakatapat ng Coca-Cola ngayong hapon sa "wild card" phase ng Gran Matador PBA Fiesta Confe-rence. Dahil sa nangulelat ang Hotdogs sa qualifying phase ay kailangan nilang talunin nang dalawang beses ang Tigers upang makarating sa quarterfinals.
Kung matatalo ang Purefoods mamaya, uuwi na si Head bukas. Bale one game lang ang lalaruin niya. Pero kung magwawagi ang Hotdogs ay mapupuwersa nila sa sudden-death situation ang Tigers sa Miyerkules.
Buweno, sa pananaw ni coach Paul Ryan Gregorio ay maganda ang kanyang tsansa ngayong si Head na ang kanilang import. Datihan na kasi ito dahil nakapaglaro na siya sa Alaska Aces noong 2002.
Katunayan, tinulungan ni Head ang Aces na makarating sa Finals kalaban ang Purefoods at muntik nang magkam-peon ang Alaska Aces. Nakapagposte sila ng 32 bentahe kontra Purefoods subalit natalo sa huling dalawang laro.
So, kahit paanoy kabisado na ng Purefoods si Head. Pinag-aralan na siya ni Gregorio dalawang taon na ang nakalilipas at alam na nila kung paano ito gagamitin.
Sa tutoo lang, parang hindi nga tama ang ginawa ng Purefoods na pagkuha kay Zaletel dahil hindi ito take-charge guy. Kung ang hinahanap ng Purefoods ay isang import na makakasabay kay Art Long ng San Miguel Beer, hindi si Zaletel ito!
Puwede sigurong si Head ito.
Ani Gregorio ay tinabangan nga ang Hotdogs nang si Zaletel ang kanilang kakampi dahil parang hindi talaga ito makakatulong. Pero ngayong si Head ang kinuha nila ay mataas ulit ang kanilang kumpiyansa.
Bale pang-anim na import ng Purefoods si Head. At talaga namang dito nangapa nang husto ang Hotdogs, eh.
Okay na sana noong umpisa dahil kinuha nilang muli si Lenny Cooke. Kaya lang ay nagtamo ito ng injury sa kauna-unahan nilang laro kontra Coca-Cola. Mabuti na lang at nagwagi sila sa Tigers kahit hindi naglaro si Cooke halos sa kabuuan ng second half.
Kung ito ang iisipin ng Hotdogs, abay puwede nga silang makalusot sa Tigers. Biruin mong nawalan na nga sila ng import noon ay nagwagi pa sila. E, ngayon pang beterano na ang import nila saka pa sila matatalo nang ganun na lang?
Kapag nakalusot ang Purefoods sa Coca-Cola at nakausad sa quarterfinals, tiyak na maraming pahihira-pan ang Hotdogs.