^

PSN Palaro

Lady Archers nanalo rin

-
Nagpakawala ng malakas na laro, tinalo ng reigning UAAP La Salle ang Far Eastern University, 25-15, 25-17, 19-25, 25-19, upang itala ang unang panalo sa dalawang laban sa Shakey’s V-League sa Lyceum gym.

Limang araw matapos igupo ng Santo Tomas Tigress sa16-25, 20-25, 25-22, 17-25 iskor, dinomina ng Taft-based belles ang dala-wang unang sets, bumagal sa ikatlong set ngunit bumangon sa ikaapat na set upang tapusin ang Lady Tamaraws.

Pinangunahan ni 2003 UAAP MVP Desiree Hernandez, umatake ang Lady Archers sa kaagahan pa lamang ng laban at bombahin ang Lady Tamaraws ng kanilang maiinit at matitinding kills mula sa kaliwa, kanan gitna at pabalik para makuha ang unang dalawang sets.

Hawak ang komportableng 2-0 abante, ang La Salle, na humatak ng manonood hindi lamang sa kanilang husay at talento kundi dahil din sa mga magagandang mukha ng kanilang mga manlalaro, ay masya-dong maagang nagdiwang.

Nagpakawala ng matinding spike si Ruby May Rovira sa mahusay na court coverage at net defense, nagrally ang Morayta-based belles mula sa 12-14 at makuha ang 13 sa huling 18 puntos na nagbigay sa kanila ng ikatlong set at manatiling may pag-asa.

At sa pananalasa ni FEU skipper na si Rovira ng sunod sunod na kills, naibaba ng Lady Tams ang abante, ngu-nit ipinakita nila ang pruweba nang magtulong sina Hernandez, La Salle captain Maureen Penetrante, Carissa Gotis, Manilla Santos at Ivory Ablig para tuluyang isara ang panalo.

CARISSA GOTIS

DESIREE HERNANDEZ

FAR EASTERN UNIVERSITY

IVORY ABLIG

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY TAMARAWS

LADY TAMS

MANILLA SANTOS

MAUREEN PENETRANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with