PBL Unity Cup: Hapee may pag-asa pa rin
June 4, 2004 | 12:00am
Tuloy pa rin ang eksplosyon ni Reed Juntilla at tuloy pa rin ang pananatili ng defending champion Hapee Toothpaste sa kontensiyon para sa nalalabing upuan sa kampeonato.
Katulong si Mark Macapagal, isang nakakalulang 38-6 run ang sinin-dihan ni Juntilla sa huling dalawang yugto upang buhatin ang Teeth Sparklers sa 68-49 paglampaso sa Welcoat Paints kahapon sa semifinals ng PBL Unity Cup sa Makati Coliseum.
Ang panalo ay nagpalawig sa rekord ng Hapee sa 7-7 bagamat kailangan pa nilang magwagi sa kasunod nilang dalawang asignatura para maka-kuha ng playoff para sa ikalawang finals slot. Ang Welcoat ay bumagsak sa 8-6.
Masama ang naging pasimula ng Teeth Sparklers sa labang ito kung saan sila ay pumasok sa intermisyon na baon sa 10 puntos, 23-33, at nasadlak sa 30-42 deficit sa kalagitnaan ng third canto.
Subalit sa pamamagitan ng naturang pagtakbo na tinampukan ng pinagsamang 28 puntos mula kina Macapagal at Juntilla, ay nagawa ng Hapee na baligtarin ang laban at itulak ang Welcoat sa pagrehistro ng ilang masasamang marka.
Sa ikalawang laro, tuluyan nang tinapos ng Viva Mineral Water-FEU ang anumang pag-asa ng Toyota Otis-Letran na makapasok sa best-of-5 titular series sa bisa ng 62-51 panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended