Haharapin ng Welcoat ang defending champion Hapee Toothpaste sa ganap na ika-2 ng hapon habang ang Viva naman ay makikipagtipan sa Toyota Otis-Letran sa alas-4.
Tangan ang league-leading rekord na 11-2 panalo-talo, ang Water Force ay nakatitiyak na ng upuan sa best-of-5 titular series sa kabila ng mayroon pa itong nalalabing tatlong asig-natura, kabilang ang labang ito.
Subalit ang tropang ito, na ginagabayan ni coach Koy Banal at binabanderahan nina Arwind Santos, Denok Miranda at Mark Isip, ay nanggaling sa 81-67 pagyuko sa Paintmasters kamakalawa, ang kabiguang tumapos sa kanilang 9-game winning streak -- ang pinakamahabang serye ng panalo na naitala sa ng isang koponan sa liga mula noong 1998 nang walisin ng Alfrancis Chua-mentored at Eric Menk-led Tanduay Rhum ang kanilang unang 18 laro.
Ang naturang tagumpay ng Welcoat ay nagpalawig sa karta nito sa 8-5, na nagpanatili sa kanilang dalawang larong abante sa Hapee (6-7) at tatlo sa Toyota (5-8).
Ang panalo ng Paintmasters ngayon o sa susunod pa nilang dalawang laro ay maglalagay sa kanila sa posis-yong imposible nang maabot ng Teeth Sparklers o Knights at magbubunga ng kanilang pagkopo sa ika-2 finals slot.
Kung sakali, ito ang ikala-wang sunod na pagkakataon na aakyat sa kampeonato ang Welcoat subalit una sa ilalim ng rookie coach na si Caloy Garcia. Ang Paintmasters, sa pamamatnubay ni coach Leo Austria ay umabante rin sa huling sayaw noong nakalipas na Platinum Cup, kung saan ginapi sila ng Fash Liquid Detergent sa 5 laro.
Ang tangi at natitirang paraan upang mapigilan ang napipintong Water Force-Paintmasters showdown ay ang ipanalo ng alinman sa Teeth Sparklers o Knights ang lahat sa kanilang huling tatlong laro, bagay na bagamat posible ay maliit naman ang proba-bilidad. (Ulat ni IAN BRION)