SSC vs Letran para makisosyo sa liderato
June 3, 2004 | 12:00am
Magbabalik aksiyon ang bigating volleyball ngayon sa paghaharap ng San Sebastian College at Letran para makisosyo sa liderato sa wala pang talong University of Santo Tomas sa Shakeys V-League sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.
Ang laban ay nakatakda sa ganap na alas-5 ng hapon sa duelong inaasahang magiging mahigpit ay kapana-panabik sa Lady Stags na pinalakas ng pangunahing spikers ng torneo na sina Jeanne Espo-long, Angela Descalsota, Jinni Monedejar at rookie Lorence Ann Latigay para ipantapat sa troika nina Joana Marie Fer-nando, Khristine Basco at Bangladesh Pantaleon.
Sa engkuwentro naman na wala pang panalong team, makakaharap ng reigning UAAP at University Games champion La Salle ang karibal nilang FEU sa pang-alas 3 ng hapon na salpukan sa liga na itinataguyod ng Shakeys at inorganisa ng Sports Vision Management Group Inc.
Bukod sa kanilang kakayahan, maari ring gamitin ng Lady Archers ang kanilang hitsura sa pangunguna ng 22 anyos na si Nicole Ann Remulla, ang batang kapatid ng dating La Salle standout at beach volley veteran na si Ivy, upang humatak ng atensiyon sa mga manonood.
Sa pangunguna ni national mainstay Mary Jean Balse, ipinoste ng UST ang unang sunod na panalo ng torneo sa pamamagitan ng 25-20, 25-23, 25-17 tagumpay kontra sa wala pang panalo na Lyceum upang makuha naman ang solo liderato.
Ang mga laban ay mapapanood ng live sa IBC-13 at libre ang panonood sa Lyceum gym.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am