SSC belles lusot sa Lady Tams

Dumaan sa butas ng karayom ang dating NCAA 4-peat champion San Sebastian College bago nakuha ang 13-25, 25-23, 25-18, 30-28 panalo laban sa Far Eastern University, sa duwelo ng mga nagdebut team sa Shakey’s V-League sa Lyceum Gym kahapon.

Isang matalim na smash ang pinakawalan ni Jeanne Espolong para sa final point ng SSC belles, sa kanilang dalawang oras na pakikipag-bakbakan bago nakuha ang tagumpay.

Ipinakita ng duo nina Angeles Descalsota at Jinni Mondejar ang kani-lang walang awang depensa sa kanilang mga atake sa net at nagbigay ng maraming kill na hindi masagot ng Lady Tamaraws.

Ang event na itinataguyod ng Shakey’s at inorganisa ng Sports Vision Management Group Inc., ay ‘live’ na napapanood sa IBC-13.

Halos kontrolado ng mas maliit ngunit mabilis na FEU volleybelles ang kaagahan ng laro nang mamuno ito sa set at itatag ang 23-22 sa second frame mula sa malalakas na tira ni Ruby May Rovira.

Ngunit nakabangon ang Lady Stags nang magpakawala ng malulu-tong na kills si Mondejar na sinabayan ng errors ng Lady Tamaraws na nag-tabla sa laro sa 1-1.

Show comments