Binanderahan ng magkapatid na Gino at Paulo Katigbac ang kampanya ng Team Rosario nang kanilang payukurin ang Lipa, 9-3 at dominahin ang Batangas leg ng 3-on-3 series na sponsored ng Lifan at sanctioned ng Basketball Association of the Philippines (BAP).
Ang iba pang miyembro ng Team Rosario na nanalo ng P5,000 ay sina Lambert Villamon at Frederick Ilagan.
Makakasama ng Rosario ang mga nauna ng nagsipagwagi na Mabuhay-Dasmarariñas at Sta. Rosa.
Napsakamay naman ng Team Padre Garcia ang third place, habang tumapos naman ang Batangas City ng ikaapat na puwesto sa third leg ng seryeng ito na nilahukan ng mahigit sa 36 teams mula sa buong probinsiya ng Batangas.