Sinasabing kursunada ng dalawang PBA ballclubs ang kanilang serbisyo at hinihintay na lamang ang mga kaganapan sa kasaluku-yang Gran Matador-PBA Fiesta Conference upang desisyunan na kung iaakyat sila o hindi.
Mahuhusay ang dalawang coaches na ito.
Si Alas ay nakapagbigay na ng dalawang kampeonato sa Knights sa National Collegiate Athletic Association. Napagkampeon din niya ang Manila Metrostars sa defunct na Metropolitan Basketball Association. Hindi na rin siya bago sa PBA dahil nahawakan niya dito ang Talk N Text Phone Pals. So kung muli siyang aakyat sa pro league, kabisado na niya ang kalakaran doon.
Si Baculi ay sinasabing matagal nang hinog para sa PBA. Katunayan. Marami ang nagsasabing kung si Leo Austria ay nakapanhik na sa PBA, dapat ay makapanhik na rin si Baculi.
Hindi nga bat si Austria ay dating assistant coach ni Baculi sa Hapee Toothpaste bago sila nagkahiwalay ng landas. Hinawakan ni Baculi ang Welcoat House Paints samantalang hinawakan ni Austria ang Chowking at Shark Energy Drink. Nang mag-leave of absence ang Welcoat ay napunta si Baculi sa Olongapo Volunteers. Hindi nga lang siya nakuha ng Welcoat kaagad nang magbalik ito sa PBL kung kayat si Austria ang humalili sa kanya. Pero bilang coach ng Hapee ay nabigyan naman niya ng back-to-back championships ang Teeth Sparklers.
So, okay na rin kung pumanhik sina Alas at Baculi sa PBA pagkata-pos ng Unity Cup.
Pero may nagsasabing: Bakit hindi kinukunsidera si Koy Banal?
Sa aking palagay ay puwede na rin si Koy sa PBA. Marami na rin siyang napatunayan sa amateur ranks.
Hindi bat napagkampeon na ni Koy ang Far Eastern University Tamaraws sa UAAP. At nang lumahok ang FEU na inisponsoran ng Viva Mineral Water sa kauna-unahang pagkakataon sa PBL ay muntik na silang makagawa ng Cinderella Finish. Sumegunda sila sa Hapee Toothpaste. Abay malaking achievement iyon! Ngayon ngay namamayagpag ang Viva- Mineral Water sa kasalukuyang Unity Cup at tiyak nang pasok sa Finals.
Bukod sa FEU at Viva Mineral Water, si Banal ay nakapag-coach na rin sa ibat- ibang eskuwelahan. Hindi din siya bago sa pro league dahil noong buhay pa ang MBA ay nagsilbi siyang assistant coach ng Pasig Rizal Pirates.
Kumbagay hinog na rin si Banal para sa PBA.
Maganda din kasing makita kung paanong maglalaban sina Koy at ang kanyang kuya na si Joel sa PBA. Kasi, sa nagdaang UAAP Finals ay dinaig ni Koy si Joel.