Ang 12 anyos na si Magnaye, 9th seed sa torneo na humakot ng pinakamahuhusay na 14-under players sa bansa ay nakipagbuno kay Balatbat sa first set ng maaksiyon at tensiyonadong pinale, nang makaraang yumuko sa sumunod na set ay bumalik muli sa decider para tapusin ang kanyang panalo sa event na itinataguyod ng electronics giant JVC.
Patungo sa finals, si Magnaye na naglalaro para sa PNP Badminton Club, ay nanaig kay 4th pick Paul Vivas, 15-11, 15-12 sa quarterfinals at sinorpresa ang top seed na si Gerard Certeza, 15-10, 15-8 sa semis.
Kinumpleto naman ni Karyn Velez ang araw para sa di-gaanong kilalang panlaban nang pabagsakin ng 14 anyos at second seed ang top ranked na si Janina Paredes, 11-3, 11-9 upang makopo naman ang girls singles diadem sa duelo ng mga Valle Verde bets.
Bukod kina Magnaye at Velez na umiskor ng dobleng panalo sa torneong inorganisa ng img at sinusuportahan din ng Alaska, Accel, Gosen, Tobys Sports, Pioneer Insurance, Lactacyd, Tokyo Tokyo, The Philippine STAR, Agfa at Rudy Project nang umiskor ito ng panalo sa kanilang doubles event.